Saturday, April 7, 2007

ouch!

Sabi ko na nga ba, mawawala ka
Hindi ko pinakinggan, paalala ng mga kaibigan
Kaya ngayon, kahit sobrang nasaktan
Sinusubukan pa ring ika'y kalimutan

Ang tanga kasi ng puso kong 'to
Sa dami ng lumigaw, sa'yo pa nagkagusto
Kahit pa nga madaming kumokontra
Pusong nagmahal, di nagpadala

Ilang araw ding magmukmok sa isang sulok
Nag-isip, nalungkot
Tinatanong ang sarili
Saan ba ako nagkamali?

Oo naman, mahal pa rin kita
Kahit na nga ikaw ang dahilan ng aking pagdurusa
Pero ngayon, babalik ka pa?
Naku huh, manigas ka!

Tama na sigurong minsan minahal kita
minsang nagpakatanga
Minsan mong niloko at nagpaka-gaga
Dahil kahit ganito lang ang puso, marunong ding madala

Kahit sabihing andito ka pa
Hindi ko na yata makakaya
Mahal ko pa rin ang sarili ko
Kaya hindi ko na gugustuhing muli pang lokohin mo...

No comments: